Promdi goes Trekking in Taal
Last May 20, I "trekked like I’ve never trekked before"! My officemates and I went to Taal to conquer the volcano. Nainspire ata kami sa mga Pinoy na tinunton ang Mt. Everest. Actually, gusto kasi nung expat namin magTagaytay…versus itour ang Old Maynila (Rizal Park, Fort Santiago,etc).
So go kami! kala ko it would just be a piece of cake…I thought wrong! Ang hirap umakyat sa bundok na matarik, battling the heat of sun, shits of horses, dirt and dusts at yung mga kabayo at mga nangangabayo na akala mo e pagmamayari nila ang bundok (the nerve).
We started off with high spirits…and ended up with none (at the top of the volcano). Ang dami naming stops…
Hindi lang para magpapicture, kung hindi para na rin magpahinga. Kala ko dati yung mga sa extra challenge, nagiinarte lang ang mga artistang ito…sa isip isip ko, ang arte naman ng mga ito, ang dali lang naman nun, kayang kaya ko naman yun e. True enough, nakaya ko naman, with a lot of encouragements from my officemates.
Pero gaya nga ng lagi kong sinasabi tuwing ikukwento ko ang aming adventure, "I almost want to quit". Parang nagblablackout na paningin ko…dala na rin ng init at pagod…at english makipagusap.
Triny ko na ang lahat para maaliw ang sarili ko at makalimutan ang init. Uminom ako ng tubig…pero mainit din ang tubig ko… Nakinig ako sa IPOD. Kumanta. Nagpapicture picture…pero ganun pa rin, pagod pa rin. hehehe!
Finally, natunton na rin namin ang tuktok ng bulkan!!! Yahooo! pagdating sa taas, umupo na lang ako kasi nangangatog pa ang tuhod ko. kulang sa balot. hehehe!
Masaya naman ang experience…masaya na naexperience ko sya…pero chaka na ako babalik, pag physically fit na ako. hehehe!

June 2nd, 2006 at 9:17 pm
haayy, rogee… i feel you pain. nyahaha! syempre kasama mo ako dun eh. hihihihi. i must say hindi talaga sanay si roj sa mga ganung activities, pero she completed the task nevertheless. Masaya din naman ang kinalabasan nung trek, nag-video kami ng “Ang Ganda Ko” dance sa tuktok ng volcano — ang akala ko ay magigising ang taal at puputok sa ingay namin. In fairness, meron din kaming fans — mga korean tourists. nyahahaha! Tara, Roj! Balik tayo dun! Bwahahahaha! joke lang ^_^