The promdi goes to…BORACAY!

Grabe, 2 consecutive posts…improving!

My HighSchool friends (grabe…more that 10 years na ata kaming friendships) and I went to Boracay last May 5-7. ‘Twas my second time…pero ngayon ko lang talaga na "feel" ang sinasabi nilang party mood ng boracay.

The first time i was in boracay, most of the time, nasa room lang kami ng hotel (disadvantage of having a nice, cozy room, with CATV and malapit lang sa Mall). Minsan nagstastay din kami sa pool or sa jacuzzi ng hotel (sosyal!). Basically, walang night life, kasi tulog agad sa malambot na kama! We planned to watch Nina sa Bagaberde then, pero 8PM palang sumuko na kami sa front act ni nina… grabe, ang tagal kasi nyang dumating.

Anyways, iba talaga when you go to Boracay with your close friends. Iba ang energy level! Sabi nila, ngayon lang daw nila akong nakitang ganun ka kulit…nung kwinento ko naman yun sa mga officemate ko, tawa sila ng tawa. Hindi kasi nila alam na mabait akong bata nung High School, paladasal at palaaral. Laging nasa Library para magaral. Direcho ng bahay pagtapos ng ’skwela (bwahahahaha!).

Since napakahabang byahe ng RORO, at 3 Days 2Nights lang kami dun, hindi namin pinalampas ang bawat segundo ng pagstay dun. Pagkalapag ng bags namin sa room, change costume agad kami sa aming mga sexy outfits (yung outfit lang ang sexy…hahaha!) at ligo agad sa beach. Namangha rin ako sa napakagandang sunset sa beach…

Then, direcho dinner na. Naparami ata kami ng order…pero ok lng, ubos pa rin (considering first full meal ata namin yun for the day). Balik kami sa room at nagpalit ng gimik clothes (yes! kahit promdi ako, marunong din naman akong pumorma…hahahaha!).

Ako yung taong promdi rin sa "bar scene". Sa totoo lang, hindi ko alam ang mga kalakaran sa bar…as i’ve said, mabait akong bata, library ang buhay ko. Kahit itanong nyo sa akin ang DEWEY DECIMAL SYSTEM ay kaya ko sa inyo i-ennumerate ito (000 Generalities  , 100 Philosophy and Psychology , 200 Religion, and so on… salamat sa Google.hehehe!).

Nakakita kami ng isang kagamitan na bago sa aking paningin. Akala ko nung una, isang barrel ng beer…yun pala "pipe" yun (hindi ko alam kung tama yung pagkakaalala ko sa tawag dun). Basta isang aparatong nagbibigay ng flavor sa hinihithit mong sigarilyo (hindi ako smoker, at ayoko ng smoke).

So since pagod kami at inaantok antok na rin, masusi naming tinignan yung kabilang table….nang biglang may lumapit na lalake at nagtanong kung gusto naming ju-moin sa kanila. Syempre in english ang kanyang delivery para sosyal. Dala na rin siguro ng pagod, antok, at lakas ng tugtog sa background, napatulala lang ako…and sabi ko "what?" Siguro mga 3 beses ko rin inulit yun. At nung bumalik na ang pagiisip ko, pinasa ko nlng sa mga friends ko yung tanong.

To cut the story short, we declined his offer…(sige…hanggang dun nlng ang story ko, hindi ko na ishashare yung nakakatawang kumento ng friend ko…baka maputol pa ang more than 10 years of our friendship e)…Unless merong magcomment sa post ko at pilitin akong ituloy ang kwento…hehehe!

So yun ang First Day and First Night namin sa Bora. Kinabukasan, gising agad kami para naman magsnorkling. Pero syempre breakfast muna. Hanap kami ng malapit lapit na lugar para magbreakfast. Finally, nakakita kami ng place na nagseserve ng heavy breakfast…sa LA Carmela (something something). So upo kami at patuloy pa rin ang kwentuhan…nakita namin si mamang taho…Naexcite kami so buy kami ng taho…20 pesos per cup! grabe! sa Maynila…sa Makati pa…Php10 lang yun.

Out of boredom na rin siguro habang naghihintay ng order ay napagdiskitahan namin ang spelling ng Calamari sa display nilang tarpoline (dapat daw spelled as Calamares pero read as Calamari)…Kala ko susugurin na nung isang kasama ko yung management para ireklamo ang maliit na pagkakamaling ito. Kakaiba rin ang itsura ng longganisa nila, mukhang shanghai…1 piraso lang at hindi color red.

Nung huli akong pumunta dun, crocodile island lang ang napuntahan namin. tapos hindi ko talaga naenjoy magsnorkle kasi ang lakas ng alon. Dumaan muna kami sa Crystal Cave bago tumungo sa crocodile Island. Maganda rin, pero not enough para pigilan kaming umalis at pumunta sa crocodile island…Super enjoy ngayon sa crocodile Island! 30 mins ata kaming nagpakain ng pringles cheese sa mga gutom na isda….sosyal diba! Nagkita rin kami ni Nemo, at ng tatay ni Nemo, at kung sino sino pang sea creatures.

Next stop PUKA beach. Grabe, twas a long and very challenging ride. Bukod sa oldie na yung nasakyan naming banka, e super lakas ng alon ang aming nilabanan. more than 45 mins ata ang bumpy ride. Ok lang sa puka. maraming sea shells by the sea shore. Kaso biglang lalim ang tubig so nakakatakot maglalalangoy. We didnt stay that long sa PUKA beach kasi its almost lunch time and medyo nagwewelga na ang mga stomach namin (or stomach ko lang yun? hehehe!…baka stomach ni manong boatman)

So we decided na magpadropoff nalang sa Station 1 sa may Cocomagas. tinignan namin yung price sa Cocomangas…medyo mahal, hindi kaya ng budget. So nagtricycle kami papuntang d talipapa (hindi ko alam bakit uso ang "d" sa boracay, d mall, d talipapa, d beach, d tricycle)…pagdating sa talipapa, nashock ako sa laki ng ginanda nya sa dating talipapa…only to find out na hindi pala sya yung nasunog na talipapa. Yung nasunog, sya yung d original talipapa. Anyways, bukod sa eating, we also did most of our shopping.

Then, a looooong walk back to the shore and to our cottage. Since this will be our last day in the island, wala kaming pinalagpas na pagkakataon. Lakad ulit kami at swimming swimming sa beach (balik sa Station 1).

Nagbananaboat kami!!! 2nd time ko na sya pero masaya pa rin. Since meron nga akong alam na namatay sa flying fish, kabado pa rin ako sumakay. Pag may papalapit na banka or anything, hawak lang ako sa bananaboat, pero pag nasa open space kami, may pa "no-hands no-hands" pa akong nalalaman.

Finally, hinulog kami ni manong sa gitna ng laot. It didnt came as a surprise kasi sinasabi ni manong kung ihuhulog na kami or not (corny noh? hahahaha!). Since 2nd time ko na, nakuha ko na ang technique sa pagakyat. Yahooo! una ako sa taas (teka…hindi naman contest ito. hehehe!) hindi ko alam kung sino ang una kong tutulungan, si Kehm or si alrey….so wala akong tinulungan. Hahahahaha! joke lang! tulungan ko sana si alrey para tulungan ang iba pa…kaso hindi ko kaya. Tinulungan ko rin si Kehm, kaso mabigay sya at hindi kaya ng boat. hehehe joke lang Kehm!!! :P Kaso nahuhulog sya, hindi nya ma balance ang sarili nya (hahahaha! joke lang ulit). So kalabas labas, parang wala nga akong natulungan. hahahaha! :)

Anyways, yung pangalawang hulog sa amin, malapit na sa laot…corny! may naramdaman akong isang paa at isang buong katawan na dumagan sa ulo ko… at natouch ko na ang ground kahit naka life vest ako. Nilangoy nlng namin papuntang laot…kahit pwede namang lakarin (bakit ba! gusto ko lumangoy e hehehe!).

Then, picture in the sunset. Grabe, breath-taking talaga. Sa maynila, hindi mo naman maaapreciate ang kagandahan ng sunset. Sa Bora…iba! ang ganda! parang gusto mong i-freeze ang moment at tumitig nalang sa ganda ng paglubong ng araw.

Balik kami sa headquarters para magpalit ng "gimik" clothes. Hindi na namin naabutan ang happy hours pero ok lng kasi nilibre naman kami ni Alnie sa pier one (salamat alnie! :)) Sarap!

Nagkasakit na si Anj so she has to go back the headquarters to rest. Kami, patuloy sa chikahan. The only guy in our group left us to get the shirts na pinagawa nila…so girl-bonding na kami. ang dami na naming pinagusapan. Tumino na rin ako ng konti at naging seryoso….nang biglang….

May lumapit kay Joyee (na dinescribe ni Alrey as artistahin daw. hehehe!) at gustong maki join sa table. Wala na namang nagsalita sa amin…syempre seryoso ang usapan namin at hindi agad nagprocess sa brains namin kung paano mapapaalis ang mga lalakeng ito in a nice way. So sa bilis ng pangyayari, wala na kaming nasabi, at umupo nlng sila….

The usual getting to know you process happened. Parang orientation sa College, give your name, ambition in life, motto and define love ang drama….(joke lang! name and where do you work or what do you do in life lang naman). Hindi ko inaakalang may makakasama kaming artista…

"He’s working for ABS"

"Ah! you look familiar"

"He appears in Nginig"

(me thinking)"…hindi naman sya member ng streetboys…ano kaya sya dun? Multo?"

"Oh my God! Psychic ka?!…Usap tayo"

Hindi ko na nilagyan ng pangalan yung dialog. Basta ganyan ang naging takbo ng usapan.

I was sitting beside Alnie then…sabi ko sa kanya, wag nya akong iiwan. hehehe! So we thought of a plan…pagdating ng brother nya, magpapaalam na kami… So sige, chika chika ng konti…Isang tanong, isang sagot type of a conversation kami with the guy (I’m not sure kung soft spoken lang talaga sya or medyo nawawala na ang kanyang Y chromosome…).  In fareness, mabait yung bata…hahaha!

Finally dumating na ang bro ni Alnie…pinagisipan naman namin kung masama ba yung gagawin naming iwan sila sa gitna ng ganung sitwasyon…pero siguro that time, hindi lang kami nagkaconnect connect…akala kasi namin nageenjoy sila… (especially Kehm with the psycho este psychic guy…hehehe! peace kehm!)  Apparently, hindi pala…bukod sa hindi naman ata talagang psychic yung guy na kausap ni Kehm (according to her na rin) eh hindi rin pala nila gusto yung mga pangyayari.

So ayun, pagbalik nila sa room namin, more chika chika on how our night-out turned out to be. More girl bonding, more laughters, more alaskahan, more story-tellings. Kung ano yung mga napagusapan namin…sa amin nlng yun! hahahaha! :) Pero twas really fun! feeling ko High School ulit ako…pero syempre mga topic namin, mas pang mature audience na…o, nothing green huh! Alam nyo naman yung mga High School drama…syempre less of that na.

"Time really flies when you are having fun!" Hindi namin namalayan Sunday na pala…Uwian na :( Pero twas definitely one of the trips na suuuper nag enjoy ako! :) Hanggang sa susunod na adventure! :)

Wish ko lang, makasama namin si Auxille at Denas sa susunod. Para hindi na kayo ang napaguusapan. hahaha! >:) joke lang! :) Syempre para enjoy! :)

Finally…natapos ko na rin ito.. :)

2 Responses to “The promdi goes to…BORACAY!”

  1. Joy Says:

    hahaha!!! comedy ka talaga nona!!! in fairness, detailed ang kwento mo ha. at ang nakakatawa pa nito, habang binabasa ko ang blog mong ito ay hindi ko mapigilang matawa, naka-face mask pa naman ako, eto, nagcra-crack tuloy… hehehe!!! pero super funny talaga, hanggang ngayon pagnaaalala ko, natatawa parin ako mag-isa. lalu na dun sa first night natin… well, you know why… ayoko na rin sabihin at baka masira ang 10 years of friendships… hehehe! oist, kunin mo na dito sa house yung CD. ibinilin ko na sa helper. God bless!!! will wait for the continuation of your blog (”,)

  2. Lysa Says:

    grabe Nona! wild bora girl ka na!mana ka na kay tita jolly mo!hehehehe

Leave a Reply