Ano ang gagawin mo kung…

Last Wednesday, I had the chance to go to the gym (yahoo!). I was late for my first 1 on 1 session with my trainor so medyo mabilisan ko lang nilagay ang stuff ko sa locker room (first of only 2 sessions….yung libre lang pag nagsignup ka. hehehe!).

Anyways, so after ng one on one namin, i went back to the locker room to get my phone because I was expecting a call from my brother. Nung pagpasok ko ng locker room, I saw this girl, I looked at her…like how I would look at normal people (hmmm…iba ba ang way ng pagtingin ko for abnormal people? hehehe!) I mean, yung normal lang…wala yung kunot ng noo na nagiisip kung sino yun. Tapos she looked at me rin, and said, "Rogeena?"….hmmm! sabi ng brains ko "kilala nya ako?!" hehehe! sabi naman ng bibig ko "uuuyyyy!"

Mali ata ang nasabi ko…Parang yung prolonged "uuuyyyy" means na hindi ko sya kilala. Well, naobvious nya naman yun, tinanong nya ako, "hindi mo na ako kilala noh?"…

Dito papasok ang title ng blog posting na ito…"Ano ang gagawin mo kung…." Ano ang gagawin mo kung may nakakita at nakakilala syo na hindi mo matandaan kung sino. After nung incident na yun, inisip ko, ano nga ba ang dapat kong gawin, just incase maulit sa akin yung ganun….

1. Pretend na kilala mo sya…and pray na hindi nya tanungin kung sino sya (kung alam mo pangalan nya). Tapos magtanong ka nlng ng generic questions like, "o kamusta ka na?" or "Saan ka na nagwowork ngayon"?

2. Kung nagpretend ka na kilala mo sya, at bigla nyang sinabing "sige nga, anong pangalan ko?" sabihin mo nlng, "Cathy?" or basta magbigay ka nlng ng random names na unang papasok sa utak mo. Haluan mo na rin ng dasal na sana tama ang hula mo.

3. Kung mali ang hula mo, syempre sasabihin nyang mali. Ayon sa aking statistics, ang susunod nyang sasabihin is yung name na nya…tapos pretend nalang na ibang tao pala, "ay oo nga pala…mali, hindi pala ikaw yun." sabihin mo nlng kamukha mo kasi yung isang friend ko nung preschool na ganun yung pangalan. (hehehehe! lame excuse)

4.Kung hard to get ang friend mo at feel nyang pahulaan ang pangalan nya, sumuko ka na my dear. Kung hindi mo sya kilala, hindi mo talaga sya kilala. Sabihin mo nlng na "ano nga ulit pangalan mo?" hehehehe!

5. Kung feel mo naman na magpaka semi-honest (semi lang)…say politely na hindi mo sya matandaan…ask for his/her name, and mag sad story ka nlng na nagkaroon ka ng selective amnesia. Ask him/her to refresh your memory. hahahaha! Kung eto ang susundin nyo…grabe! bilib ako sa inyo.

6. Kung feel mo namang magpakahonest (tulad ng ginawa ko), tell him/her na hindi mo talaga sila matandaan. Wag mo na pilitin na matandaan kasi ibig sabihin lang nun, tumatanda ka na at kailangan mo na mag Enervon Prime para masolusyunan ang iyong memory gap (hehehe! napaka harsh ko naman ata).

I know I know, walang kwenta ang tips ko. I would just like to apologize dun sa gradeschool friend ko na hindi ko nakilala (and kahit sinabi nya na name nya, nakalimutan ko ulit kung ano. hehehe!).  Gusto ko pa sana makipagchikahan kaso ang kapal naman ng mukha ko, nakalimutan ko na nga kung sino sya makikipag chikahan pa ako. hehehe! Actually, nahihiya ako makipagchikahan kasi i think magshoshower na sya.

Para sa iba kong friends, kung makita ko man kayo kung saan man, sana wag kayong matakot at batiin nyo pa rin ako hehehe! :)

Yun lang po. Bow.

One Response to “Ano ang gagawin mo kung…”

  1. ta Says:

    ey Rog! Stumbled on your blog. Ayus to ah. Hehe. Sama ko sa blog roll ko ha. thanks! ;)

Leave a Reply