Archive for August, 2006

Politics

Wednesday, August 23rd, 2006

What’s the first thing that you think of when you hear/read the word "Politics"? … "pulitika"?

I know most of us would think negatively…Parang naging compound word (tama ba yun) na ang salitang "Dirty Politics", parang coffee and cream, bread and butter, B1 and B2, Julio at Julia, and so on, I think you are all intelligent enough to get my point…they blend in together…sometimes, they are inseperable.

Ano ba ang ibig sabihin ng politics? According to wikipedia:

Politics is a process by which decisions are made within groups. Although the term is generally applied to behavior within goverments, politics is observed in all human (and many non-human) group interactions, including corporate, academic, and religious institutions.

Wala akong nakitang word na "dirty" sa definition…aside from "government" which is somewhat synonymous to "dirty". hahaha! joke lang!:P

Lalu pang nagiging masama sa pandinig nating mga noypi pag nahahaluan na ng unlapi na "ma" ang politika…"mapulitika"…but what’s wrong with too much politics?

Ika nga nila, "Ang lahat ng sobra…masama".

Sa lahat ng organisation, may politika since may mga bagay na kailangang desisyunan. Hindi na natin maiaalis yan, kailangang tanggapin na natin ito. Hindi naman ito masama kung tama ang nagiging desisyon…kung ito ay ginawa nang naaayon sa lahat, at kung ginawa ito ayon sa nakasulat sa batas.

Kung titignan natin sa definition, maganda ang Politics dahil isang grupo ang nagdedesisyon para sa nakararami. Hindi naman maganda kung sumailalim tayo sa isang diktaturya dahil isang boses lamang ang maririnig dito. Hindi rin maganda ang walang gobyerno dahil magkakanya kanya lang tayo at walang paroroonan ang isang grupo.

Maganda rin ang may politika kung ang napiling grupong magdedesisyon para sa isang organisasyon ay tapat at mapagkakatiwalaan. Yung tipong kapakanan ng lahat ang iniisip, hindi lang kapakanan nya, ng pamilya nya o kahit pa ang buong angkan nya.

Tatakbo ba ako sa 2007 election?! Hindi!:P Pero kung bibigyan ako ng isang kahilingan ng "Wish Ko Lang", siguro hihingi ako ng isang malinis na gobyerno. Isang gobyernong hassle-free. Para tuluyan nang malinis ang pangalan ni Politics…

Posible kaya yun? Kung sa isang maliit na grupo nga lang hindi nawawala ang politika (equates to 6P2*…sa mga kaberks ko, feel ko nagets nyo iyo) ….well…Hindi pa naman ako nawawalan ng pagasa…Possible yan sa Globe! ;)

Retraction

Monday, August 21st, 2006

I decided to remove my post with regards to changes…

Marami kasing nagtanong sa akin, maraming nakagets, maraming nainis, maraming natuwa, meron ding naguluhan… Kung baga, I got different feedbacks on the post that’s why I decided to retract that blog.

For the record, I wrote the blog just for fun…any similar events or situation narrated in the post is purely coincidence. :)

We don’t go for the usuals, we go beyond!

Wednesday, August 16th, 2006

I dream to be an events coordinator…feeling ko mailalabas ko lahat ng creative chuva sa aking utak…

Hindi naman sa pagmamayabang…pero ako ang isa sa mga tinuturing na beteranong tagapagorganize ng event sa aming team…Roll-off, Team Buildings, Birthday Parties, Weddings (hehehe joke lang!), etc. Syempre, hindi mawawala ang mga co-organizers ko, sila ena, luibelya at bevs…(ok sige, idadagdag ko na rin ang favorite host ng mga party, si sai aka. Kristeta).

Hindi biro ang pagorganize ng isang event…bukod sa walang charge number (hehehe!) nakakapagod din…nakakastress din, nakakatense, nakakapressure at minsan dumarating din kami sa punto na nauubusan kami ng "creative juices" sa aming brains.

Nakakapagod kasi napakaraming kailangan gawin, kailangang isipin. Nakakastress kasi time bounded ito. Hindi mo naman pwedeng sabihin sa magbibirthday na, pwede ba next week ka nlng mag birthday? hehehe! Nakakatense kasi hindi mo alam kung anong magiging reaction ng binigyan mo ng party…matutuwa ba sya o maiinis sa mga hinanda niyong gimik…and finally, nakakapressure…dahil syempre, ang mga tao, mageexpect sila more from you each time you throw a party. Kailangan mahigitan mo yung nagawa mo dati…ewan ko sa iba…siguro mindset ko lang yun.

Pero pag naexecute mo ng mabuti ang plan nyo, at nakita ninyong natuwa ang lahat, lalu na yung taong binibigyan nyo ng party, masaya ang feeling. Parang lahat ng pagod mo ay instant na napapawi. All your hardwork will be paid off.

This is a careers trademark…We don’t go for the usuals, we go beyond! Naks! parang commercial.

Shout-out: HAPPY BIRTHDAY ULIT ERIC! Sana naenjoy mo yung party mo kanina… pasensya ka na kung for a while, nawala yung pagiging private person mo. hahahaha!Salamat sa libre! :)

Bad day…:(

Sunday, August 6th, 2006

I was suppose to write something about the advantage and disadvantage of "changes" in relation to my life but I was bombarded with a lot of issues with one of the tools that I support in our project….not to mention that I am on leave today…sigh!

I knew I should have not logged in to my MSN today…now, I wouldn’t enjoy my well-deserved leave kasi hindi na sya stress free. sigh! Oh well, its part of my job. I have to deal (or no deal) with it.

Chaka ko nlng ulit susulat yung about the advantages and disadvantages of "changes" in my life….pag nasa writing mood na ulit ako….probably before this day ends (sana…kasi kung hindi ngayon, kailan pa?) :)