Politics
What’s the first thing that you think of when you hear/read the word "Politics"? … "pulitika"?
I know most of us would think negatively…Parang naging compound word (tama ba yun) na ang salitang "Dirty Politics", parang coffee and cream, bread and butter, B1 and B2, Julio at Julia, and so on, I think you are all intelligent enough to get my point…they blend in together…sometimes, they are inseperable.
Ano ba ang ibig sabihin ng politics? According to wikipedia:
Politics is a process by which decisions are made within groups. Although the term is generally applied to behavior within goverments, politics is observed in all human (and many non-human) group interactions, including corporate, academic, and religious institutions.
Wala akong nakitang word na "dirty" sa definition…aside from "government" which is somewhat synonymous to "dirty". hahaha! joke lang!:P
Lalu pang nagiging masama sa pandinig nating mga noypi pag nahahaluan na ng unlapi na "ma" ang politika…"mapulitika"…but what’s wrong with too much politics?
Ika nga nila, "Ang lahat ng sobra…masama".
Sa lahat ng organisation, may politika since may mga bagay na kailangang desisyunan. Hindi na natin maiaalis yan, kailangang tanggapin na natin ito. Hindi naman ito masama kung tama ang nagiging desisyon…kung ito ay ginawa nang naaayon sa lahat, at kung ginawa ito ayon sa nakasulat sa batas.
Kung titignan natin sa definition, maganda ang Politics dahil isang grupo ang nagdedesisyon para sa nakararami. Hindi naman maganda kung sumailalim tayo sa isang diktaturya dahil isang boses lamang ang maririnig dito. Hindi rin maganda ang walang gobyerno dahil magkakanya kanya lang tayo at walang paroroonan ang isang grupo.
Maganda rin ang may politika kung ang napiling grupong magdedesisyon para sa isang organisasyon ay tapat at mapagkakatiwalaan. Yung tipong kapakanan ng lahat ang iniisip, hindi lang kapakanan nya, ng pamilya nya o kahit pa ang buong angkan nya.
Tatakbo ba ako sa 2007 election?! Hindi!:P Pero kung bibigyan ako ng isang kahilingan ng "Wish Ko Lang", siguro hihingi ako ng isang malinis na gobyerno. Isang gobyernong hassle-free. Para tuluyan nang malinis ang pangalan ni Politics…
Posible kaya yun? Kung sa isang maliit na grupo nga lang hindi nawawala ang politika (equates to 6P2*…sa mga kaberks ko, feel ko nagets nyo iyo) ….well…Hindi pa naman ako nawawalan ng pagasa…Possible yan sa Globe!
September 28th, 2006 at 12:30 am
ang masasabi ko lang pare…..GETS kita! nyahahhahah!!! ^___^
February 11th, 2007 at 5:00 am
Your wish has been answered. The Philippine goverment is now clean because i’m now working for it.