We don’t go for the usuals, we go beyond!

I dream to be an events coordinator…feeling ko mailalabas ko lahat ng creative chuva sa aking utak…

Hindi naman sa pagmamayabang…pero ako ang isa sa mga tinuturing na beteranong tagapagorganize ng event sa aming team…Roll-off, Team Buildings, Birthday Parties, Weddings (hehehe joke lang!), etc. Syempre, hindi mawawala ang mga co-organizers ko, sila ena, luibelya at bevs…(ok sige, idadagdag ko na rin ang favorite host ng mga party, si sai aka. Kristeta).

Hindi biro ang pagorganize ng isang event…bukod sa walang charge number (hehehe!) nakakapagod din…nakakastress din, nakakatense, nakakapressure at minsan dumarating din kami sa punto na nauubusan kami ng "creative juices" sa aming brains.

Nakakapagod kasi napakaraming kailangan gawin, kailangang isipin. Nakakastress kasi time bounded ito. Hindi mo naman pwedeng sabihin sa magbibirthday na, pwede ba next week ka nlng mag birthday? hehehe! Nakakatense kasi hindi mo alam kung anong magiging reaction ng binigyan mo ng party…matutuwa ba sya o maiinis sa mga hinanda niyong gimik…and finally, nakakapressure…dahil syempre, ang mga tao, mageexpect sila more from you each time you throw a party. Kailangan mahigitan mo yung nagawa mo dati…ewan ko sa iba…siguro mindset ko lang yun.

Pero pag naexecute mo ng mabuti ang plan nyo, at nakita ninyong natuwa ang lahat, lalu na yung taong binibigyan nyo ng party, masaya ang feeling. Parang lahat ng pagod mo ay instant na napapawi. All your hardwork will be paid off.

This is a careers trademark…We don’t go for the usuals, we go beyond! Naks! parang commercial.

Shout-out: HAPPY BIRTHDAY ULIT ERIC! Sana naenjoy mo yung party mo kanina… pasensya ka na kung for a while, nawala yung pagiging private person mo. hahahaha!Salamat sa libre! :)

Leave a Reply