Archive for September, 2006

Stranded

Wednesday, September 27th, 2006

First time ko maexperience ang ma-stranded sa isang lugar (first time nga ba? basta feeling ko, eto na ang worst stranded cheverlin experience ko sa buong buhay ko)…

Malakas ang ulan, sobra…malakas din ang hangin, sobra rin. Stranded ako sa 25/f ng building sa ayala…sa sobrang lakas, nararamdaman ko na ang duyan ng malupit na bagyo. Parang lumilindol. Nakakahilo kasi kahit wala na yung "lindol" e feeling ko gumagalaw pa rin ang paligid ko…

Ayaw gumana ng utak ko para magtrabaho. Tuluyan nang nayanig ng malakas na hangin. Nandito ako, naka t-shirt nlng at naka tsinelas. Ready na sana umalis kanina…sa kasamaang palad, hindi makalabas ng parking ang aking kuya. marami raw nagliliparan na mga chorvalu sa labas. Mga punong lumilipad, mga flying motorcycle at kung ano ano pa.

Sa aking pagroronda, marami akong mga scary stories na nakulimbat in connection with Bagyong milenyo…nanjan yung:

1. Nakitang bumaksak ang isang puno sa harapan ng sinasakyan nilang bus (entry submitted by bevs)

2. Bumaksak na stoplight (entry submitted by Paul).

3. Eto malupit, merong tinangay na tricycle papuntang kanal. Saan ka pa?! hehehe! kaya ngayon, takot ang officemate ko na umuwi kasi sa kanya, motor lang (walang side car pang tricycle…edi mas magaan yun hehehe!) (entry submitted by Mike)

Hay! inaaliw ko nlng sarili ko bago ako sumabak sa trabaho ulit. Checklist ng stranded sa isang building:

1. Food - meron akong sunflower, 1 pc binch, 3 lucky me pancit canton, water. pwede na ako mabuhay hanggang bukas nito…

2. Extra clothes. Suot ko na actually ang t-shirt ko (nagpalit na ako from longsleeves). sana hindi ako ma code of discipline. Uuwi na dapat ako e. kaso nga, STRANDED ako! hehehe!

3. Slippers. Suot ko na rin. hehehe!

4. Pillow. check!

5. Rosary - check! dalawa pa! hehehe!

Hindi ko alam paano tatapusin ang blog na ito, kaya ganito nlng bigla nlng mawawala…..

(sh*t! hindi effective ang ending! hehehe!)