Driving me nuts
Driving in the Philippines (especially in EDSA) can bring out the worst in you…Just last friday, a bus suddenly keeps on cutting into our lane, with no signal lights, no nothing, just plain bad driving.
Terrible! You’d really feel pist off and helpless at bigla ka nalang mapapasabi ng "ay, g@*0!"
I’m no saint, pero hindi ako pala-murang tao. Hanggang "Sh!t" lang ang pinakamalalang mura ko…expression lang…kaya pag narinig mo akong magmura…chef! talagang galit ako! Kaya nung friday…grabe! Hindi ko nlng napigilan ang sarili ko at bigla nlng napamura nung biglang may bus na nagcut sa harap namin.
Gusto ko pa nga ibaba ang windows ko at hampasin ang bus nya at pagmumurahin sya… Its just really Terrible! Kung umasta ay parang nabili nila ang buong EDSA at pwede na nila gawin ang gusto nila…At pag nakabangga naman ay parang mga maamong tupa at makikiusap nlng sa iyo… the nerve!
Pero lahat ng trash talking na ito, sa loob lang nang utak ko nananatili. kung lalabas man, hindi naman sya natratranslate sa action…hanggang "kwentuhan" lang din. hahaha! And what I would do is just give the driver a deadly stare… I know it would do nothing…pero its my way of saying na #$*&(*&#*W^(*$W%!!! Nakuha ko ata yung pagtingin ng masama sa bad driver sa aking kuya…hahahaha!
Pinagtataka ko lang, bakit hindi kaya hulihin ng mga Parak ang mga teribleng driber na ito. Sa sobra bang pagkaterible at naging delinkwente na sila sa pagsuway sa traffic rules e naging close na sila ng mga traffic police people kaya hinahayaan nlng sila? Tama ba naman yun? syempre hindi! Terrible talaga!
At isa pa sa mga pinagtatakahan ko, etong mga Public Transpo drivers ay holder ng professional license…pero parang sila mismo ay hindi nila alam ang road rules ang regulation. Calling LTO! Pag professional license holder ka ba, ibig sabihin "magulang" ka na sa pagdridrive…TERRIBLE talaga!
Nadagdagan pa ng challenge ang buhay ng mga drivers dahil sa patuloy na pagsikat ng motorsiklo sa ating bansa! hay!!!!! Yung ibang motorsiklo feeling nila lahat ng butas kaya nilang suutan. hayyyy!
This is an appeal to all drivers na, please please be considerate when you are on the road. Nagbibigay ng matinding trauma para sa mga first time drivers (at sa mga not-so-regular drivers like me) ang mga pinaggagagawa nyo. ok?! thanks!